Thursday, June 16, 2016

Tula: O, Sayo na

‘Hindi pa’ sabi ko
Ngunit ‘Sige na’ sabi ni puso
Ilang linggo pa lang kasi
Ngunit heto hindi mapakali

Maghintay, aking desisyon
Pero ‘Bahala na’ ang tugon
Bakit ba kasi ganito
Baliw ang tibok ng puso

Osige, bahala na
Sabi mo kasi magtiwala
Ayan na, sayo na,
Ikaw na ang bahala

No comments:

Post a Comment